Lumaktaw sa pangunahing content

"Ang Kontrabida", isang tugmang tula tungkol sa Isyung Panlipunan

“ANG KONTRABIDA”

Terorismo, korupsyon, at mga patayan
Ilan lamng sa mga balakid ng bayan
Ito ay hadlang din sa kapayapaan
Ng bansa na atin na ay sinilangan

Nababahala na’t nais tanungin
Ito na ba talaga ang bansa natin?
Puro na lamang problema’t suliranin
Ano na ba ang mga dapat nating gawin?

Ito ay maituturing na kaaway
Ang tanging hadlang sa ating pamumuhay
Ang lagi na lang sumisira sa tulay,
Tulay na nagtutungo sa’ting tagumpay

Ang syang laging sumasalungat sa bansa
Kontra sa kaunlarang matatamasa
Ngunit hindi mawawalan ng pag-asa
Hangga’t may hininga pa na ibubuga

Hadlang sa pag-unlad, sugpuin na dapat
Ito’y lilipulin, ng patas at tapat
Kung may dugong tumulo, benda’y ilapat

Hangga’t sa hindi pa man huli ang lahat




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Puti o Kayumanggi?", isang sanaysay tungkol sa Racism

“PUTI O KAYUMANGGI?”                         Uso na ang mga pampaputi o tinatawag na “Glutathione” sa panahaon ngayon. Halos lahat ay gustong gusto ito dahil kapag ikaw ay maputi mataas ang tingin sayo ng mga tao sapagkat ikaw ay katulad na ng mga puti o Amerikano na mataas ang antas sa lipunan. Ito ay parang isang lason na kumalat na sa buong mundo dahil sa masama nitong epekto sa mga tao at nagiging minsang dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lahi.             Ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang lahi at kung hindi mamasamain ay pati na rin sa kulay. Sa Hilagang Amerika, Europa, Australya o ang mga puti at sa Asya, Aprika, Timog Amerika o mga kayumanggi. Ang mga kayumanggi ay labis na humahanga sa mga puti na nagiging dahilan ng pagtaas ng kanilang antas sa lipunan. Ang puting kulay ng balat, sa kasalukuyan, ay sumisimbolo n...

"Malaya", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

 “MALAYA” Isang malayang tula tungkol sa Pilipinas Hindi alam kung paano sisimulan Pagpapakilala, sa bayang kinalakihan Na sa huli ri’y magiging hantungan Ng mga mamamayang dito’y nanirahan Sa lupang sinilangan, Namumuhay ng may karangalan Lahat ay may kakayahan Na gawin ang kanilang kagustuhan Mga bata’y nagkalat sa lansangan Upang maglaro’t makipaghabulan Mga matatanda’y nagkakasiyahan Sa gabi, tuwing may okasyon man Ang bansa ay Malaya Kaya’t mga tao ay maligaya Tila ba’y mga tala Kislap ng mga ngiti’y nakakaanyaya Ikaw ay Malaya Ipahayag ang kataga Kaya ‘wag kang mangamba Na sambitin ang nadarama Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)