“PUTI O KAYUMANGGI?”
Uso
na ang mga pampaputi o tinatawag na “Glutathione” sa panahaon ngayon. Halos
lahat ay gustong gusto ito dahil kapag ikaw ay maputi mataas ang tingin sayo ng
mga tao sapagkat ikaw ay katulad na ng mga puti o Amerikano na mataas ang antas
sa lipunan. Ito ay parang isang lason na kumalat na sa buong mundo dahil sa
masama nitong epekto sa mga tao at nagiging minsang dahilan ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lahi.
Ang
mundo ay nahahati sa iba’t ibang lahi at kung hindi mamasamain ay pati na rin
sa kulay. Sa Hilagang Amerika, Europa, Australya o ang mga puti at sa Asya,
Aprika, Timog Amerika o mga kayumanggi. Ang mga kayumanggi ay labis na
humahanga sa mga puti na nagiging dahilan ng pagtaas ng kanilang antas sa
lipunan. Ang puting kulay ng balat, sa kasalukuyan, ay sumisimbolo ng pagiging
angat sa iba at ito ay kadalasang nagiging ugat ng problema at hindi
pagkakaintindihan sa pagitan ng mga lahi. Maaari nitong maapektuhan ang
pamumuhay ng mga tao at ang pakikisalamuha nila sa ibang lahi. Masama ang naidudulot
nito sapagkat napapababa nito ang kompyansa sa sarili. Nawawalan sila ng tiwala
sa sarili na nagreresulta sa pagmamaliit sa kanilang kakayahan at dahil sa
mataas na pagtingin nila sa mga puti,
hindi nila napansin na naiwanan na pala nila ang sarili at ang lahi sa
baba at hirap ng umunlad pa. Walang magandang epekto ang kapootang panlahi na
ito kaya dapat wakasan na ito.
Ituring
natin ang isa’t isa ng pantay at may respeto. Huwag natin hayaan na masira ang
kinabukasan natin dahil lamang sa iang simpleng pagkakaiba-iba sa kulay. Hindi
dahilan ang kulay upang malaman mo ang halaga mo sa mundo. Hindi rin pagiging
maputi ang daan upang makilala at maintindihan ka ng ibang tao. Higit sa lahat,
hindi ang pagiging maputi ang magpapaunald sayo kundi ang pagtitiwala mo sa
sarili mo. Ikaw, kuntento ka na ba sa kulay mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento