“MALAYA”
Isang
malayang tula tungkol sa Pilipinas
Hindi alam kung paano
sisimulan
Pagpapakilala, sa bayang
kinalakihan
Na sa huli ri’y magiging
hantungan
Ng mga mamamayang dito’y
nanirahan
Sa lupang sinilangan,
Namumuhay ng may karangalan
Lahat ay may kakayahan
Na gawin ang kanilang
kagustuhan
Mga bata’y nagkalat sa
lansangan
Upang maglaro’t
makipaghabulan
Mga matatanda’y
nagkakasiyahan
Sa gabi, tuwing may okasyon
man
Ang bansa ay Malaya
Kaya’t mga tao ay maligaya
Tila ba’y mga tala
Kislap ng mga ngiti’y
nakakaanyaya
Ikaw ay Malaya
Ipahayag ang kataga
Kaya ‘wag kang mangamba
Na sambitin ang nadarama
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento