Lumaktaw sa pangunahing content

“Abandonadong Gusali”, isang tugmang tula tungkol sa Kalikasan

 “ABANDONADONG GUSALI”

Pagmasdan mo ang ating kapaligiran
Ano na ang nangyari sa kalikasan?
Tuluyang naiwanan, napabayaan
Tila wala ng halagang kayamanan

Ito’y tulad lamang ng isang gusali
Naghihintay at nagbabakasakali
Na maibalik ang sigla’t ganda
 Sa pagka-abandonado ay nagmula

Ang mga tao’y tila walang nakikita,
Pati pakiramdam ay parang wala na
Maihahalintulad sa isang bato
Damdaming ayaw mamulat sa totoo

Manggagamit, ang tawag sa karamihan
Bibigyang halaga kung may napala man
Kung wala na’y isasantabi’t iiwan
Ang gusaling dati ay inalagaan

Tayo’y magsama-sama at magkaisa
Muli na naman nating bigyan halaga
Ang dati na napagsawalang bahala

Upang sa pagkasira, mundo’y masalba




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Puti o Kayumanggi?", isang sanaysay tungkol sa Racism

“PUTI O KAYUMANGGI?”                         Uso na ang mga pampaputi o tinatawag na “Glutathione” sa panahaon ngayon. Halos lahat ay gustong gusto ito dahil kapag ikaw ay maputi mataas ang tingin sayo ng mga tao sapagkat ikaw ay katulad na ng mga puti o Amerikano na mataas ang antas sa lipunan. Ito ay parang isang lason na kumalat na sa buong mundo dahil sa masama nitong epekto sa mga tao at nagiging minsang dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lahi.             Ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang lahi at kung hindi mamasamain ay pati na rin sa kulay. Sa Hilagang Amerika, Europa, Australya o ang mga puti at sa Asya, Aprika, Timog Amerika o mga kayumanggi. Ang mga kayumanggi ay labis na humahanga sa mga puti na nagiging dahilan ng pagtaas ng kanilang antas sa lipunan. Ang puting kulay ng balat, sa kasalukuyan, ay sumisimbolo n...

"Ang Kontrabida", isang tugmang tula tungkol sa Isyung Panlipunan

“ANG KONTRABIDA” Terorismo, korupsyon, at mga patayan Ilan lamng sa mga balakid ng bayan Ito ay hadlang din sa kapayapaan Ng bansa na atin na ay sinilangan Nababahala na’t nais tanungin Ito na ba talaga ang bansa natin? Puro na lamang problema’t suliranin Ano na ba ang mga dapat nating gawin? Ito ay maituturing na kaaway Ang tanging hadlang sa ating pamumuhay Ang lagi na lang sumisira sa tulay, Tulay na nagtutungo sa’ting tagumpay Ang syang laging sumasalungat sa bansa Kontra sa kaunlarang matatamasa Ngunit hindi mawawalan ng pag-asa Hangga’t may hininga pa na ibubuga Hadlang sa pag-unlad, sugpuin na dapat Ito’y lilipulin, ng patas at tapat Kung may dugong tumulo, benda’y ilapat Hangga’t sa hindi pa man huli ang lahat Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Malaya", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

 “MALAYA” Isang malayang tula tungkol sa Pilipinas Hindi alam kung paano sisimulan Pagpapakilala, sa bayang kinalakihan Na sa huli ri’y magiging hantungan Ng mga mamamayang dito’y nanirahan Sa lupang sinilangan, Namumuhay ng may karangalan Lahat ay may kakayahan Na gawin ang kanilang kagustuhan Mga bata’y nagkalat sa lansangan Upang maglaro’t makipaghabulan Mga matatanda’y nagkakasiyahan Sa gabi, tuwing may okasyon man Ang bansa ay Malaya Kaya’t mga tao ay maligaya Tila ba’y mga tala Kislap ng mga ngiti’y nakakaanyaya Ikaw ay Malaya Ipahayag ang kataga Kaya ‘wag kang mangamba Na sambitin ang nadarama Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)