“SAGWAN”
Simpleng babae, ang tawag sa
sarili
Kapayapaan ang nais manatili
Gustong gusto pumunta sa
karagatan
Kaya’t dito’y nanatili at
nagsagwan
Ito ay magsisilbing daan sa
hangarin
Ang syang magdadala sa aking
mithiin
Ang tanging gagabay sa akin
ay hangin,
Maaaring alon ay pumigil
sa’kin
Ngunit sa kabila nitong mga
sagabal
Walang anumang
makakapagpabagal
Na matupad na ang aking mga
pangarap
Na tila ba ay kasing taas ng
ulap
Huwag titigil, sagwan lamang
ng sagwan
Kahit ang bangka’y abutan man
ng buwan
‘wag susuko, patuloy lang na
lumaban
Upang ang pangarap nawa ay
makamtan
Tanaw na sa paningin, islang
hangarin
Sa wakas, paglalakbay ay
natapos din
Ang mga pagsubok ay
nalagpasan din
At narating na, ang dulo ng
mithiin
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento