“UNAN”
Tuwa, Saya, Ligaya
Mga salitang binabanggit pag
sila’y kasama
Mga kaibigan na turing ay
pamilya
Sa bawat pagsasama’y di
magsasawa
Magkakasamang tinatahak ang
buhay
Sila’y kasangga at minsan na
kaaway
Kasangga sa problemang hatid
ng buhay
Kahit na minsan kami’y
nag-aaway
Maituturing silang unan sa
aking kwarto
Na syang tanging nakakakita
ng luha ko
Sa bawat lungkot at
problemang ito
Sila lamang ang masasandalan
ko
Sila ang unan na kayakap ko,
Ang unan na kanlungan ko,
Ang nagpapagaan ng loob kong
ito
Sa tuwing ang araw ko’y ‘di
kumpleto
Tunay ngang matatawag na
kaibigan
Sapagkat, kahit sa simpleng
paraan
Ako’y buong puso nilang
sinamahan
At nakasisigurado, na hindi
ako iiwan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento