Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

"Sa Huli", isang maikling kwento ng pagkakaibigan, pagbangon sa problema, at buhay

Sa Huli Umiiyak, tumatawa, naiinis, nagagalit. Maramdaman niya pa kaya ito? Matapos ang mga pangyayari, huli na ba para maibalik sa dati ang lahat? Magiging maayos pa kaya ulit siya? O tuluyan ng magbabago ang lahat? Yan ang mga tanong na patuloy gumugulo sa kanyang isipan. Nagulumihanan ang isang batang babae bigla mula sa kalabog na nagmumula sa labas ng kanyang silid. Nagtaka siya kaya't sinubukan niyang silipin kung ano yun ngunit hindi pa man niya tuluyang nabubuksan ang pinto ay narinig niya na ang kanyang ina .  “Sige makakaalis ka na. Sumama ka na sa kabit mo! Tutal dun ka naman masaya eh." sambit ng kanyang ina habang humihikbi. "Matagal ko ng sinasabi sa iyo na walang nga akong kabit. Bakit ba ayaw mong maniwala? Kung sino- sino na lang pinaghihinalaan mo. Pati mga kaibigan ko ay nadadamay na rin sa pagseselos mo." sabi naman ng kanyang ama sa mahinahong paraan. Hindi niya alam kung ano na naman ang pinagmulan ng kanilang pag-aaway. Lagi na lamang ...
Mga kamakailang post

"Puti o Kayumanggi?", isang sanaysay tungkol sa Racism

“PUTI O KAYUMANGGI?”                         Uso na ang mga pampaputi o tinatawag na “Glutathione” sa panahaon ngayon. Halos lahat ay gustong gusto ito dahil kapag ikaw ay maputi mataas ang tingin sayo ng mga tao sapagkat ikaw ay katulad na ng mga puti o Amerikano na mataas ang antas sa lipunan. Ito ay parang isang lason na kumalat na sa buong mundo dahil sa masama nitong epekto sa mga tao at nagiging minsang dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lahi.             Ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang lahi at kung hindi mamasamain ay pati na rin sa kulay. Sa Hilagang Amerika, Europa, Australya o ang mga puti at sa Asya, Aprika, Timog Amerika o mga kayumanggi. Ang mga kayumanggi ay labis na humahanga sa mga puti na nagiging dahilan ng pagtaas ng kanilang antas sa lipunan. Ang puting kulay ng balat, sa kasalukuyan, ay sumisimbolo n...

"Ang Kontrabida", isang tugmang tula tungkol sa Isyung Panlipunan

“ANG KONTRABIDA” Terorismo, korupsyon, at mga patayan Ilan lamng sa mga balakid ng bayan Ito ay hadlang din sa kapayapaan Ng bansa na atin na ay sinilangan Nababahala na’t nais tanungin Ito na ba talaga ang bansa natin? Puro na lamang problema’t suliranin Ano na ba ang mga dapat nating gawin? Ito ay maituturing na kaaway Ang tanging hadlang sa ating pamumuhay Ang lagi na lang sumisira sa tulay, Tulay na nagtutungo sa’ting tagumpay Ang syang laging sumasalungat sa bansa Kontra sa kaunlarang matatamasa Ngunit hindi mawawalan ng pag-asa Hangga’t may hininga pa na ibubuga Hadlang sa pag-unlad, sugpuin na dapat Ito’y lilipulin, ng patas at tapat Kung may dugong tumulo, benda’y ilapat Hangga’t sa hindi pa man huli ang lahat Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Sagwan", isang tugmang tula tungkol sa Pangarap

“SAGWAN” Simpleng babae, ang tawag sa sarili Kapayapaan ang nais manatili Gustong gusto pumunta sa karagatan Kaya’t dito’y nanatili at nagsagwan Ito ay magsisilbing daan sa hangarin Ang syang magdadala sa aking mithiin Ang tanging gagabay sa akin ay hangin, Maaaring alon ay pumigil sa’kin Ngunit sa kabila nitong mga sagabal Walang anumang makakapagpabagal Na matupad na ang aking mga pangarap Na tila ba ay kasing taas ng ulap Huwag titigil, sagwan lamang ng sagwan Kahit ang bangka’y abutan man ng buwan ‘wag susuko, patuloy lang na lumaban Upang ang pangarap nawa ay makamtan Tanaw na sa paningin, islang hangarin Sa wakas, paglalakbay ay natapos din Ang mga pagsubok ay nalagpasan din At narating na, ang dulo ng mithiin Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

“Abandonadong Gusali”, isang tugmang tula tungkol sa Kalikasan

 “ABANDONADONG GUSALI” Pagmasdan mo ang ating kapaligiran Ano na ang nangyari sa kalikasan? Tuluyang naiwanan, napabayaan Tila wala ng halagang kayamanan Ito’y tulad lamang ng isang gusali Naghihintay at nagbabakasakali Na maibalik ang sigla’t ganda  Sa pagka-abandonado ay nagmula Ang mga tao’y tila walang nakikita, Pati pakiramdam ay parang wala na Maihahalintulad sa isang bato Damdaming ayaw mamulat sa totoo Manggagamit, ang tawag sa karamihan Bibigyang halaga kung may napala man Kung wala na’y isasantabi’t iiwan Ang gusaling dati ay inalagaan Tayo’y magsama-sama at magkaisa Muli na naman nating bigyan halaga Ang dati na napagsawalang bahala Upang sa pagkasira, mundo’y masalba Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Unan", isang malayang tula tungkol sa sarili ng may-akda

“UNAN” Tuwa, Saya, Ligaya Mga salitang binabanggit pag sila’y kasama Mga kaibigan na turing ay pamilya Sa bawat pagsasama’y di magsasawa Magkakasamang tinatahak ang buhay Sila’y kasangga at minsan na kaaway Kasangga sa problemang hatid ng buhay Kahit na minsan kami’y nag-aaway Maituturing silang unan sa aking kwarto Na syang tanging nakakakita ng luha ko Sa bawat lungkot at problemang ito Sila lamang ang masasandalan ko Sila ang unan na kayakap ko, Ang unan na kanlungan ko, Ang nagpapagaan ng loob kong ito Sa tuwing ang araw ko’y ‘di kumpleto Tunay ngang matatawag na kaibigan Sapagkat, kahit sa simpleng paraan Ako’y buong puso nilang sinamahan At nakasisigurado, na hindi ako iiwan Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Malaya", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

 “MALAYA” Isang malayang tula tungkol sa Pilipinas Hindi alam kung paano sisimulan Pagpapakilala, sa bayang kinalakihan Na sa huli ri’y magiging hantungan Ng mga mamamayang dito’y nanirahan Sa lupang sinilangan, Namumuhay ng may karangalan Lahat ay may kakayahan Na gawin ang kanilang kagustuhan Mga bata’y nagkalat sa lansangan Upang maglaro’t makipaghabulan Mga matatanda’y nagkakasiyahan Sa gabi, tuwing may okasyon man Ang bansa ay Malaya Kaya’t mga tao ay maligaya Tila ba’y mga tala Kislap ng mga ngiti’y nakakaanyaya Ikaw ay Malaya Ipahayag ang kataga Kaya ‘wag kang mangamba Na sambitin ang nadarama Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)